Tuesday, September 16, 2008

Playboy & Playgirl matter

In reality of life, we must accept the fact that there are average playboy and playgirl spread out there. Ano nga ba ang kahulugan ng playboy or playgirl? sa tagalog Salawahan, ang taong hindi makuntento sa isa, ang taong naghahanap pa ng iba kahit meron ng isa. I can’t understand why they continuously act for it despite they knew it is not right. Para lang ba maipagmayabang na madami silang naging boyfriend or girlfriend? Or para masabing they are pretty & sexy or handsome & macho among the others? Huwag nating ituring na biro ang love dahil sagrado ito sa lahat ng bagay. We should love the person who is willing to love and give everything to us. Lahat ng playboy or playgirl ay hindi nagbibigay ng importansya sa mga taong nagmamahal sa kanila. Hindi madaling magtiwala sa mga taong ito kahit na ilang beses nilang sabihing mahal ka nila. Nakakaawa ang mga taong naluluko at pinapaasa ng mga ito. Pero bakit nga ba nila ito ginagawa? Ano ang tunay na dahilan nila? Kahit na alam nilang makakasakit sila ng damdamin ng iba? Kulang lang ba sila sa pansin? Nasaktan na ba sila dati kaya sila bumabawi? Karaniwang ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan mas pinipili nilang magmahal ng dalawa o higit pa dahil takot silang maiwanan ng nag-iisa. Para daw may reserba. Kaya kahit mawala yong isa ay okay lang dahil andyan pa naman yong isa. Parang sa pelikula “Si Aida, Si Lorna o si Fe”. Minsan tuloy napapaisip ako kung meron pa bang matitinong lalaki sa mundo ngayon? Siguro meron pa but in one million guys in this world perhaps there is only one person or two persons who is loyal and sensible, you’re lucky if you pick him/ her. I have this one friend of mine, who confess and reason out for being a playboy, but what he said is not valid for me. He told me that nagluluko daw siya dahil nagkukulang daw ng atensyon ang girlfriend niya sa kanya. Sabi ko naman “Oh come on, that’s not a valid reason para magluko ka, if you love your girlfriend, hindi ka dapat nagtotwo timer”. Pero hanggang ngayon pinagpapatuloy pa rin niya ang kalukuhan niya. For me, mas mabuting i-break nalang nila yong girlfriend or boyfriend nila kaysa gawin silang tanga at niluluko lang, diba?. Oo nga at tao lang tayo, nagkakamali din pero kaya nga tayo binigyan ng sariling pag-iisip para gamitin natin ito at isipin ang kapakanan din ng ibang tao hindi ang sarili lang natin. Mahirap mag-isip kapag puso na ang pinag-uusapan pero tanong ko sayo, “gusto mo bang ang taong mahal mo or mamahalin mo ay aagawin ng iba sayo?”. And we must remember naghihintay lang ang karma at meron itong dalawang klase, may GOOD Karma at meron ding BAD Karma. Kaya Girls and Boys out there “CHANGE FOR THE BETTER ok?”

9 comments:

kitty said...

ang galing mo talaga mag kwento ano? I really love reading your blog kasi may "sense" talaga eh, it's worth reading talaga. sinabi mo, nakakainis mga taong mapaglaro sa pag ibig. perfect example yung bessy ko, simula nung HS malapit sa kanya mga lalaki, hindi nag tatagal sa kanya mga guys ginagawa lang syang fling, sabi ko sa kanya, kung magbagong buhay ka sana at itigil mo sarili mo na kiligin everytime may nagsabi sayong lalaki na maganda kat sexy siguro may mag tatagal sayo. hanggang ngayon sinasabihan ko kasi may anak na sya and may problems na kaagad marriage nya after 2 years. kelangan stick to one ka lang, I guess for others it's to be cool, that's all. ewan ko kung ano nahihita nila sa ganun, pero kahit nakakainis buhay naman nila yun and it's not up to us para baguhin buhay nila. ok na rin na pagsabihan sila malay mo mamulat mga mata nila diba... but yeah, ang love ay sagrado, sana naman wag nila laruin...\


kittys-haven.info

kitty said...

btw, I already added you sa sisters section. hope to see you always!

xoxo

Anonymous said...

You know what? your right. Madami ng playboy and playgirl ngayon. If we really love our boyfriend dapat huwag natin silang lukuhin. Sana mamulat na ang mga tao sa post mo. Lalo na ang mga guys dahil mas marami ang playboy kaysa sa mga playgirl :P

Nona said...

Nice read maurie, makatotohanan. Maraming reason kung bakit sila nagiging mapaglaro sa love, or maybe it's not a love yet kaya sila hindi seryoso. Maraming definition at examples kaya lang baka ang comment ko ay magiging post na haha!

geminelle said...

You've got it right. Hay, sana marealize nila ginagawa nila..

Cathy said...

What do you get when you're a playboy or playgirl? Wala naman dba. Bad image I guess. :))

krishA said...

Sometimes kasi, people who take love seriously and get their hearts broken.. thats when they start being playgirls and playboys.

I have encountered people like these, and usually kapag tinanong mo kung.. bakit ba ganyan ka? ang sagot eh, para hindi na masaktan.

Hapi said...

Happy Wednesday! Bloghoppin' here... Hey, I have an interesting tutorial for you that I have written myself. It is about adding Adsense on your Single Post in XML template. I hope you'll like it! God Bless you!

Anonymous said...

I agree with what krishA said kasi ganun ako. I took love seriously and failed to snag a girlfriend. So I changed my style. Ngayon, masmadali nang makakuha ng kalaro pag hindi ka masyadong seryoso.

Kaya minsan napapaisip ako kung gusto ba talaga ng mga babae ng seryosong lalake kung nung nagseseryoso ako, wala akong makuha, tapos ngayong puro laro na lang, sandamakmak na ang lumalapit. Nakakapagtaka lang.

This is the day that the Lord has made. Let us rejoice and be glad in it.