Friday, November 27, 2009

Irespeto mo ang iba at irerespeto ka din nila

“Inererespeto ko kayo kaya irespeto nyo ko”. Yan ang line ng nag-iisa kong boss sa branch noon. Iba siya sa lahat ng boss na nakilala ko. Kapag may mga bagay na nangyayari na sa paningin niya ito ay mali, dideresto na siya agad sa human resource na parang batang sipunin at magsusumbong. Ganon nga ba ang responsabling boss? Kasalungat siya ng dating boss namin na pinalitan niya. Dapat sanay kung alam niya pa sanang solusyunan ang problema’y gumawa muna siya ng isang aksyon na makakalutas sa problemang naiincounter niya. Meron akong mga kasamahan sa trabaho na tinik sa lalamunan niya kaya gumawa siya ng paraan para maalis ang mga ito sa trabaho. Mababait at iginagalang siya ng aking mga kasama ngunit hindi ko alam kung anong respeto ang gusto niyang gawin namin sa kanya. Kung luluhod pa ba kami pag siya ay dumarating o punasan namin ang sapatos niya evertime na kakausapin niya kami? Nawala at naalis sa trabaho ang iba kong mga kaworkmate ng walang kalaban- laban sa kanya. Pamilyado sila ngunit wala siyang awa. Pagkatapos mawala ang mga ito, ako ang isinunod niyang pinag-initan. Meron siyang inutos sa akin na hindi ko agad nagawa, gusto niya kasi pag nag-utos siya’y agad agaran na gagawin at parang wala ng bukas. Kahit may ginagawa ako, pinilit ko paring gawin ang inuutos niya. Sumagot po ako ng “opo sir”, ngunit nakalimutan kong tanungin ang email add ng pagsesendan ng pinapagawa niya. Nong tanungin ko sa kanya, sa hindi inaasahan sinigawan niya ako sa harap ng maraming tao kabilang ang kaworkmate ko at mga customer na nakaupo sa isang sulok. Nabigla ako sa pagsigaw niya at hindi ko rin iniexpect na isinumbong agad niya ako sa nakatataas. Nasa harapan kami ng HR ng biglang sabihin niyang “Kung lalaki ka lang matagal na kitang sinuntok”. Binaliktad niya ako at sinabing nakasimangot daw ako na sumagot sa kanya. Hindi na nga ako umimik at hinayaan ko na nga na pahiyain ako sa harap ng maraming tao sa huli siya ang kinampihan. Ang rason nila’y mas mataas ang position niya kaya dapat siya ang nararapat na kampihan. Magmula non, gumawa pa siya ng paraan para ilipat ako ng position (sa mas mababa kaysa dati kong trabaho). Inallow un ng mga taong matataas na kumampi sa kanya. Kailan mo nga ba dapat na igalang at irespeto ang isang tao? Dahil nga ba sa position? Or dahil sa sinabi niya lang na irespeto siya kahit alam niya sa sarili niya na siya mismo walang respeto sa kapwa niya? Ang respeto hindi yon hinihingi. Nanggagaling yon sa tao, kung ano ang ibinibigay mo sa iba yon ang ibabalik nila sayo. Katulad niya, isa siyang edukadong tao ngunit hindi mo yon makikita sa kanya. Sa mata ng aking kaworkmate at mga customers siya ang kahiya-hiya. Isa lang ang nasabi ng mga taong nakakita sa pagsigaw niya “Napakaunprofessional niya at napakabastos hindi lang bilang boss kundi bilang tao”. Isa siyang lalaki ngunit babae ang inaaway niya at pinipersonal niya. Actually hindi lang ako ang ginawahan niya ng ganito pati ang dati kong kaworkmate na babae na pinilit niya ring paalisin. Hindi ko alam kung anong meron siya, kung bakit malakas siya sa management. Basta iisa lang ang alam ko, ginagawa ko ang trabaho ko at yon ang nararapat. Bakit kaya may mga taong ganito pa na kuntento na inaapi ang iba? Galing din sila sa mababang position kaya nararapat lang na igalang nila at irespeto ang empleyado, maging janitor man ito o janitress. Ang respeto hindi yon sinasabi kundi ginagawa at pinapakita sa iba. Irespeto mo ang iba at irerespeto ka din nila.

0 comments:

This is the day that the Lord has made. Let us rejoice and be glad in it.